Home » Post Item » HUDYAT
" just when the LIPS are sealed,FINGERS do the talking..(sampung daliri kaibigan,dyan ka nila pakikinggan)"

HUDYAT

October 17, 2010

Simula palang nang bago ako mag-apply ng VNIX alam ko na na dadating sa point na i-papadala ako sa Australia, just like the other employee na senior ko na, actually yun yung reason ko dati, (libreng tour,hahah) pero hindi ko expected yung matinding pressure, GRABE!,.OO, i know how to converse naman eh, ano ba nag-aral naman ako, pero last week, NAGULANTANG ako kay ate ira ( senior supervisor namin ) nag-kasabay kasi kami pauwi sa jeep, tinanong nya ako ng pabiro : OKAY LANG BA SAYO NA MAG-PASKO SA PERTH?? unang reaction ko,UMHN! ako po, hehehe mag-isa lang ba?.. yung ang unang mga kataga na lumabas sa bibig ko, haha sabi nya, incase daw kasi na kumuha ulit na papalit kay Aljho(yun yung current coordinator dun), sa bi ko okay lang, tapos ngiti,.Pero WAPAK!!!!, pag-dating ko ng bahay di ako mag-pakali, actually, para akong nakainom ng sampong tasang kape, kinakabahan talaga ako,, isipin mo, hindi ako prepared!! ano ba?? But then again, sabi ko nga, lahat kaming employee dadaan sa ganito,. So i try to accept nalang, parang INITIATION period yun samin. Kinabukasan, pag-pasok ko andoon na sya agad, ang aga nya hah.. edi kinabahan ulit ako, baka kasi mag-tanong ulit, eh hindi pa talaga final yung sagot ko. And as expected by my SUPERelectroMAGNETIC-ESP, ayun, nag-tanong nga, sabi nya, ano nga,, ok lang sayo na mag-X’mas sa Australia, hehehe Sabi ko, ok lang Ate kung kailangan na talaga ako dun, i bet malakas din ang ESP nya at na-sense nyan hindi ako talaga ready, sabi nya, sige tanong mo muna sa inyo,(wow!, nakahinga ako). Tapos the same day, after lunch by some unknown reason, kinausap niya si kuya ranel, sabi sya na muna daw ang ipadadala, ( nag- request yata ng senior ang BGC ), hahaha nakahinga na ako ng tuluyan,. The next day, dumating si Sir Jing, kinausap kami lahat isa-isa, sabi sakin, mga January yung batch na namin nina edd, ok., now im quite numb na sa usaping to, kasi nga alam ko na na JANUARY ,patay na ko sa INITIATION na to, pero ok lang, i have 3 months to prepare, and knowing na si Kuya Ranel ang dadatnan ko dun to train me, mas ok, magaling kasing mag-turo si kuya Ranel. So, yun ,,and the rest of my EMOtes are history!, good thing, i’ll get the chance to see Ate Marie, uuwi sila galing Canada, so oks na oks.

At dahil sabi ko na ay nag-emote ako ng todo-todo ng ma-shock sa false alarm na ito, nakagawa ako ng kanta ng hindi oras, actually dati ko pa to isinusulat, ngayon lang na-finalized!,may audio narin sya, kaso hindi tapos, and then may pag-kasintonado pa ako(wala nang-kokontra,nag-sesenti nga eh..)sinasaliwan ko narin to, di parin lang tapos..(mas ok sya pag-may headset na papakinggan)..=D

 ***

HUDYAT

by: mituts

NAGSIMULA LAHAT SA IISANG PANGARAP,

MALABO ANG BUKAS AT LAYO PA NANG NATATNAW,

MGA TAONG NAG-SISILBING GABAY,

SALAMAT SA DIYOS HANDOG NIYAÝ MAHUHUSAY NA KAMAY,

 

SINISIKAP ABUTIN, TALA NA LAAN SA AKIN,

HALOS KITA KO NA, LAYO NG KAILANGAN LAKBAYIN,

MITSANG UMALAB PANATILIING NAKASINDI,

DAHIL PAPARATING PALANG, TUNAY NA LABANG MATINDI,

 

PANSININ MO,LAHAT NG MATA NILAÝ IYO,

INIHINTAÝ NALANG MANINDIGA’T TUMAYO,

MAISIPAN MANG UMAYAW,KAIBIGAN,

TAGUMPAY AY NGALAN MO’NG ISINISIGAW,

HUDYAT NA YAN NG BAGONG ARAW,

YAKAPIN MO,(YAKAPIN MO)

 

PUNO NG KABA’T BAKA MULING MAG-KAMALI,

DI’BALE NA’T LAHAT SILAÝ KAKAMPI,

IILANG UMAHADLANG ISANTABI,

DAHIL ANG MAG-PAKUMBABA ANG PINAKA MATINDING GANTI,

 

TANAW MAN AY BUNDOK AT LAYO NG LAKBAYIN,

DI IMPOSIBLE KUNG BITBIT MONG PANALANGIN,

BULONG NG PUSO’T DAMDAMIÝ DINGGIN,

RESPETO NG KABILANG DAKOÝ MAAANGKIN.

 

 


Posted by salaminnijuan at 11:32 pm | permalink

Add a comment